Mga Kasabihan
- Karlo Favis
- Dec 15, 2015
- 1 min read
"Ang apoy na kinontra ng apoy ay hindi mamamatay"
Paliwanag
Sa el filibusterismo, si Simoun ay may gusto ng rebolusyon at pagbabago sa Pilipinas, ngunit ito'y sa pamamagitan ng masasamang gawain, tulad ng plano niyang pumatay ng mga inosenteng tao sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez. Sa huli, wala ring masyadong bumago dahil sa mga gawain ni Simoun sapagkat ang mga Espanyol pa rin ang lider at May kapangyarihan sa Pilipinas.
----------------------------------------------------------------------------------
"Kailanman, ang dilim ay hindi mananalo sa liwanag"
Paliwanag
Kahit nang malungkot ang katapusan, mayroon itong naparating na ideya ng pagasa. Ang mga Gawain at taong masama ay, sa isang paraan o iba, babagsak rin. Darating rin ang panahon na maitutumba ang Espanyol at magkakaroon ng kalayaan ang mga Pilipino at ito'y tunay na ngang nangyari.
コメント